Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng mga lokal na pamahalaan at national na resolbahin ang kahirapan upang hindi na maengganyo ang mga tao na mamundok at sumapi sa mga rebeldeng grupo.
Naniniwala si Go na ang labis na kahirapan ang siyang pangunahing nag-uudyok upang sumanib sa rebeldeng grupo ang mga kababayan dahil sa paniniwala ng mga ito ay napapabayaan na sila ng gobyerno, partikular na ang mga nakatira sa mga malalayo at liblib na lugar.
Aniya, mahalaga na walang nagugutom na pamilya at ilapit ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa mga nawawalan ng pagasa at helpless na mahihirap na kababayan.
Paalala ng senador na wala na silang malalapitan kundi ang gobyerno na lamang kayat dapat na ipakita at ipadama ang serbisyo sa kanila.
Dagdag pa ng senador na masakit aniya na nakikitang nagbabakbakan at nagpapatayan ang Pilipino sa kapwa Pilipino ng dahil sa magkaibang paniniwala.