Mga lokal na pamahalaan, hindi dapat mapag-iwanan sa paggamit ng teknolohiya – PBBM

Walang rason para mapag-iwanan ang mga lokal na pamahalaan digitalization o technological advancement.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dapat samantalahin ng Local Government Units (LGUs) ang paggamit ng teknolohiya para mas mapahusay at mapabilis pa ang operasyon at transaksyon ng gobyerno.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit pinaiigting ng pamahalaan ang LGU system na isang electronic business one-stop shop.


Sabi ng pangulo, maraming delays sa mga transaksyon sa LGU kahit sa simpleng dokumentasyon lang at ang mga ordinaryong Pilipino ang nagdurusa dito.

Malaking bagay aniya ang digitalization dahil mapapakinabangan ito sa iba’t ibang aspeto tulad ng urban planning, pagdisenyo sa imprastraktura, at sa simpleng proseso ng pagkuha ng business permit.

Facebook Comments