Mga lokal na pamahalaan, hinimok ni PBBM na maglagay ng common areas para fireworks display

Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos ang Local Government Units (LGUs) na maglagay ng common areas para sa fireaworks display kaugnay sa pagridiwang ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon sa pangulo, mas maiging gumawa ng sariling common area para sa fireworks diplay ang mga lokal na pamahalaan para sa kanilang constituent ito ay upang maiwasan ang nadidisgrasya o nasusugatan dahil sa pagpapaputok.

Delikado ayon sa pangulo ang paggamit ng mga paputok at hindi rin maganda sa kalusugan dahil hindi naman aniya siguradong ligtas ang mga ginagawang paputok kaya panawagan ng pangulo sa publiko, kung maari iwasan na ito sa selebrasyon sa pagsalubong ng Bagong Taon


Hiling rin ng pangulo sa mga LGU na gumawa ng sarili nilang firecrakers o kaya fireworks display para sa kanilang nasasakupan.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) bumaba ang firecracker-related injuries sa bansa sa nakalipas na mga taon sa selebrasyon ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire taong 2020 nakapagtala sila ng 122 cases ng firecracker-related injuries habang 128 kaso nang nakaraang taon.

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), nagpapatuloy ang pagsasagawa nila ng cyber patrol, confiscation at destruction ng mga banned o bawal na firecrackers at pyrotechnics para protektahan ang publiko.

Facebook Comments