Mababa ang bilang ng compliance ng mga lokal na pamahalaan sa Electronic Business One Stop Shop o EBOSS
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Anti Red Tape Authority o ARTA Director General Ernesto Perez na sa kabuuang 1634 na Local Government Unis (LGUs) sa buong bansa, nasa 511 na LGUs pa lamang ang nakasusunod sa EBOSS.
Sa National Capital Region (NCR) naman aniya, ay walong LGUs ang nakasusunod sa EBOSS sa kabuuang 17 LGUs.
Ilan sa mga ito ay ang Quezon City, Valenzuela City, Marikina City, Paranaque City at Muntinlupa City.
Sa mga siyudad naman sa ibang rehiyon, ang mga nakasusunod pa lamang aniya ay ang Lapulapu City, Cagayan de Oro City, at Batangas City.
Kaya patuloy na hinihimok ni Perez ang marami pang lokal na pamahalaan na sumunod sa EBOSS dahil isa itong requirement ng batas o ng Ease of Doing Business Law.
Paaala pa ni Perez na mayroong hanggang tatlong taon ang mga lokal na pamahalaan para-mag set up at mag-operate ng EBOSS.
Malaki aniya ang pakinabang ng LGUs sa pagtatatag ng EBOSS.
Patunay aniya nito, ay ang tumaas na kita ng mga LGU na mayroon nang EBOSS o katumbas ng 21 bilyong piso sa loob pa lamang ng isang taon.