MGA LOKAL NA PAMAHALAAN NG ILOCOS REGION, NAGPATUPAD NG PINAIGTING NA PAGHAHANDA LABAN SA BANTA NG TSUNAMI

Dahil sa serye ng mga lindol na naitala sa karagatan ng Ilocos Sur, mas pinaigting ng mga lokal na pamahalaan sa Ilocos Region ang mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga residente mula sa posibleng tsunami.

Simula Disyembre 17 hanggang 22, naiulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang hindi bababa sa 10 lindol na may lakas na 3.0 hanggang 5.3 magnitude malapit sa 100 kilometro hilagang-kanluran ng Santa Catalina, Ilocos Sur.

Ayon kay Angelito Lanuza, science research specialist ng Phivolcs, ang lindol ay dulot ng paggalaw ng Manila Trench, isang kilalang seismic hazard.

Ipinaliwanag ni Lanuza ang posibilidad ng tsunami run-up heights sa ilang lugar, kabilang ang: Vigan City, Ilocos Sur: 14.7 metro San Fernando City, La Union: 11 metro Bolinao, Pangasinan: 11.6 metro Laoag City, Ilocos Norte: 10 metro Pagudpud, Ilocos Norte: 7.6 metro.

Bagamat may Banta umano ng tsunami hindi kinakailangang magpanic. Aniya, gamitin umanonitong pagkakataon para sa kahandaan at evacuation plans.

Ayon Kay Marcell Tabije, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, agad nilang inihanda ang evacuation plans sa mga baybayin upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad.

Sa bayan ng Sta. Catalina, Ilocos Sur, nagtipon ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang pag-usapan ang mga hakbang para sa kahandaan sa lindol at tsunami. Kasama sa mga plano ang pag-aayos ng early warning systems, pagpapatupad ng regular na earthquake drills, at pagbuo ng contingency measures.

Ayon naman Kay Regional Director ng OCD Ilocos, Laurence Mina Mayroon 21 evacuation centers sa Region 1 na kayang tumagal sa lindol na may magnitude na 8.0,”. Hinikayat nito ang mga LGus na patuloy na suriin ang kanilang action plans upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat komunidad sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments