Mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, makatatanggap ng patient transport vehicle para sa pinaigting na medical response

Makatatanggap ang 17 lokal na pamahalaan ng Metro Manila ng mga patient transport vehicles (PTVs) upang mapahusay ang medical response sa National Capital Region.

Nagmula ang mga donasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kasama sa mga ipamamahaging PTVs ang medical equipments at devices tulad ng stretchers, oxygen tanks, wheelchair, first aid kit, at iba pa.

Sa isinagawang Metro Manila Council (MMC) meeting, personal na inabot ni PCSO General Manager Mel Robles ang mga susi sa mga alkalde na dumalo sa pagpupulong.

Ayon kay Robles, makatutulong ang mga ito upang mas mabilis na makaresponde sa nangangailangan.

Nagpasalamat si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes sa suporta ng PCSO sa mga lokal na pamahalaan sa NCR, partikular na sa pagbibigay ng mga sasakyan na makatutulong sa local health system.

Facebook Comments