Sunday, January 18, 2026

Mga lokal na pamahalaan sa Southern Metro Manila, pinagdodoble-ingat ang publiko dahil sa patuloy na paglaganap ng influenza-like illnesses

Nagbabala ang Local Government Unit (LGU) sa Southern Metro Manila hinggil sa pagtaas ng kaso at paglaganap ng “Influenza-like illnesses” na posibelng makuha rin sa hawaan.

Sa inilabas na abiso ng mga lokal na pamahalaan, ang pagtaas ng kaso ng wild disease ay lubhang nakakabahala.

Kung kaya, dapat umanong mapangalagaan ang kalusugan gaya na lamang ng pagtitiyak ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at physical distancing lalo na sa mga crowded na lugar.

Kung nakararamdam naman ng sintomas nito gaya ng lagnat, pamamaga ng lalamunan, pananakit ng ulo, sipon, panginginig, panghihina ng katawan at pagsusuka.

Dapat na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility lalo na kapag hirap na sa paghinga may lagnat na 40 degree o may comorbidities.

Ang influenza-like illnesses ay mga sakit na nakakahawa na sanhi ng iba’t ibang virus o bacteria na nagdudulot ng infection sa ilong, lalamunan, at/o baga.

Isa rin ito sa mga nagbabantang sakit ngayong pabago-bago ang panahon kung kaya mahalagang malaman ang sintomas nito at paano maiiwasan.

Facebook Comments