Mga lokal na pamahalaan sa southern part ng NCR, pinaalalahanan ang mga residente na maging alerto at huwag magpakampante kapag may bagyo

Bagama’t taon-taon ay dumaraan sa bansa ang mga bagyo, nagpaalala ang mga Local Government Unit (LGU) na huwag maging kampante.

Lalo pa’t ngayon ay tuluyan nang naging isang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) at tinawag na Bagyong Bising.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, mahalaga pa rin ang kahandaan sa sariling tahanan upang maiwasan ang sakuna.

Dapat umano na siguruhin na maayos inyong bahay, mayroong nakaimbak na pagkain at malinis na tubig.

Ihanda na rin umano ang emergency kit at sumubaybay sa mga weather bulletin.

Bukod pa rito, nakiusap rin ang mga LGU na maging responsable sa mga pagtatapon ng basura at makiisa sa mga community clean up para maiwasan ang mga pagbaha.

Sa huli, nanawagan ang mga alkalde sa lungsod na maging alerto at handa sa anumang panahon, dahil sa kahandaan nakasalalay ang buhay at kaligtasan ng bawat isa.

Facebook Comments