Mga Lokal na Produkto ng Lalawigan ng Quirino, Ibibida sa Ika-48th Pagdadapun Festival!

*Cauayan City, Isabela- *Magiging tampok ang mga lokal at natatanging produkto mula sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Quirino sa isasagawang Agro-Otop Trade Fair ng Department of Trade and Industry o DTI-Quirino bilang bahagi sa pagdiriwang ng anibersayo sa ika-48th Panagdadapun Festival ngayong ika-anim hanggang ika-sampu ng Septyembre taong kasalukuyan.

Ayon kay Ma.Sofia Narag, Provincial Director ng DTI-Quirino, layunin nito na mailabas at mailatag sa merkado ang mga produkto ng bawat bayan sa naturang probinsya at paghikayat na rin sa mga nais mamuhunan o magnegosyo na kanilang magiging katuwang.

Sa naturang Agro-OTOP Trade Fair ay magkakaroon ng showcase sa bawat produkto ng bawat bayan kung saan ay magkakaroon ng Search for the Most Innovative Products kasabay sa isasagawang Business Opportunities Forum at Diskwento Caravan sa Provincial Capitol Grounds, Cabarroguis, Quirino.


Nakahanda umanong tumulong ang naturang ahensya, pamahalaang panlalawigan at iba pang ahensya para sa pagproseso sa mga lokal na produkto.

Sa pahayag naman ni STIDS Zenaida M. Quinto ng DTI-R02 ay kailangan pang palaganapin ang produksyon ng kape at high value crops sa lalawigan dahil malaki aniya ang potensyal at tiyansa nito na umusbong sa buong merkado.

Kaugnay nito, umapela si PD Narag sa lahat na makiisa sa naturang aktibidad para sabay na mapayabong at makilala ang mga lokal na produkto ng bawat bayan sa lalawigan ng Quirino para mailabas at makilala sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Facebook Comments