Binida sa ginanap na Aqua-Agri Trade Fair ang mga lokal na produkto sa Bayambang at ilan pang mga kalapit na munisipyo.
Ang pagsasagawa rin ng fair na ito ay bahagi ng kanilang Pista’y Baley kung saan sa naturang fair ay mayroong mga makukulay na mga booths kung saan nagbebenta ng mga signature na mga produkto ng Bayamabang gaya ng O-Krantz vacuum-fried crispy vegetables, Bayambang’s best longganisa at marami pang iba.
May mga ibat-ibang lokal na produkto rin na itinampok sa naturang fair tulad ng Mushroom Polvoron, Vegan Shawarma, at iba pang lokal na produkto mula sa iba pang munisipalidad.
Layunin ng naturang trade fair na i-highlight ang kontribusyon ng mga lokal na magsasaka sa buhay ng bayan at bigyan sila ng pagkakataon para i-market at ibenta ang kanilang mga produkto.
Layunin ng naturang trade fair na i-highlight ang kontribusyon ng mga lokal na magsasaka sa buhay ng bayan at bigyan sila ng pagkakataon para i-market at ibenta ang kanilang mga produkto.
Hinikayat rin ang mga magsasaka na gamitin ang E-Agro app na isang one-stop-shop digital platform na siyang tumutulong sa mga magsasaka para sa madaling pagbebenta ng kanilang mga produkto, matuto rin bagong kaalaman sa modernong pagsasaka, at maging matuto rin kung paano protektahan ang kanilang mga pananim.
Ang naturang trade fair ay inorganisa ng Municipal Agriculture Office kasama ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka na ginanap sa sa isang kilalang unibersidad sa lalawigan ang Pangasinan State University-Bayambang Campus at nakatakdang tumagal ang mga booth hanggang Marso 31, 2023. |ifmnews
Facebook Comments