
Sunod-sunod na ang dating ng mga lokal na sibuyas sa Balintawak market mula sa iba’t ibang lugar.
Nauna na kasing umaaray ang mga lokal na magsisibuyas dahil nadedehado ang kanilang produkto dahil mas mabili sa mga pamilihan ang mga imported na sibuyas na di hamak na mas mura kumpara sa lokal na sibuyas.
Kaya apela nila, ihinto muna ang pag-import ng sibuyas sa gitna ng anihan ngayon.
Mula kaninang umaga, naging sunod-sunod ang dating ng mga truck na nag-download ng tone-toneldang lokal na sibuyas na galing pa ng Nueva Vizcaya, Pangasinan at Baguio City.
Dahil dito, unti-unti nang bumabalik sa dati ang presyuhan ng lokal na sibuyas.
Mula sa dating ₱300 kada kilo, mabibili na ngayon sa ₱70 to ₱65 ang kada kilo ng pulang sibuyas o local onions.
Dahil dito, mas maraming suplay na ng lokal na sibuyas sa Balintawak market.
May mga benta pa rin naman na imported na sibuyas na mas mura ng sampung piso kumpara sa lokal na sibuyas.
Naglalaro ito sa ₱50 to ₱65 pesos ang presyo ng kada kilo.










