Mga lola at lolo, nag-enjoy sa Senior Citizens Day sa bayan ng Sultan Kudarat!

Halos 400 mga lolo at lola mula sa 39 na barangay ng bayan ng Sultan Kudarat sa lalawigan ng Maguindanao ang nagtipon para sa Senior Citizens day.
Bago nag-enjoy, naaliw at nasiyahan sa inihandang games para sa kanila, binakunahan muna ang mga ito ng flu at nheumonia vaccines at higit sa lahat at nagsalo-salo sa tanghalian.
Tiningnan din ang kanilang blood pressure at ang kanilang blood sugar.
Mayroon ding libreng gamot para kina lolo at lola.
Mayroon pang pa-raffle kung saan 15 sa kanila ay nanalo ng cellphone, mayroon ding cash prizes.
Upang mapakinggan ang kanilang hinaing nagkaroon din ng open forum kung saan isa-isa namang sinagot ni Mayor Shameem Mastura.
Ayon sa alkalde, sa pamamagitan ng Senior citizens day ay mas naipapakita at naipapardama sa mga nakakatanda ang kanilang kahalagahan.
Baon nina lolo at lola ang mga ngiti hanggang pag-uwi.

Facebook Comments