Mga lolo at lola, pinayuhan ng isang kongresista na piliin ng mahusay ang iboboto sa BSKE

Kailangang maging mahusay ang mga senior citizen sa buong bansa sa pagpili ng mga ibobotong kandidato sa Baranggay Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa October 30.

Payo ito ni Committee on Senior Citizens Chairman at Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ompong Ordanes sa kanyang mga kapwa senior citizens sa bansa.

Giit ni Ordanes, mahalagang ikonsidera sa pagboto ang mga kandidato sa BSKE na may mga programa para sa nakatatanda sa halip na pagbatayan ang kanilang pagiging kamag-anak, kaibigan, o kakilala.


Sabi ni Ordanes, mainam na pag-aralan mabuti ang edukasyon, plataporma at kakayahan ng mga kandidato.

Kaugnay nito ay isinulong din ni Ordanes ang inihain nyang House Bill 1960 o panukalang pagkakaroon ng Sangguniang Seniors sa lahat ng Barangay sa bansa.

Facebook Comments