Mga lolo at lola sa Pasig at Las Piñas, lahat bakunado na

Kung sa ibang mga lugar ay tila pahirapan ang paghikayat sa mga senior citizens na magpa-bakuna.

Sa Pasig at Las Piñas ay 100% nang bakunado ang mga nakatatanda.

Sa prescon ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ipinakita nito ang datos kung saan lahat ng mga lolo at lola sa Pasig at Las Piñas ay nakatanggap na ng 1st dose habang ang iba ay fully vaccinated na.


Sa Pasig, lahat ng 45,158 na mga senior citizens ay bakunado na ng at least 1st dose habang sa Las Piñas ay bakunado na rin ang lahat ng 38,615 na mga lolo at lola.

Kasunod nito, patuloy ang panghihikayat ng pamahalaan sa mga senior citizens na magpabakuna na lalo’t kabilang ang mga ito sa vulnerable sector nang sa ganon kapitan man sila ng COVID-19 ay hindi mauuwi sa severe case o sa kamatayan.

Facebook Comments