Ngayong may pandemya ay tuloy pa rin ang taunang pamaskong handog para sa mga lolo at lola sa Valenzuela City.
Ngayong araw mismo magsisimula ang pamamahagi ng regalo o gift packs ng lokal na pamahalaan sa mga senior citizen sa Valenzuela City.
Ang schedule at patakaran sa pagkuha ng pamaskong handog ay nakalathala sa mga official social media page ng Valenzuela City Government.
Mahigpit naman ang paalala ng pamahalaang lokal na sundin ang health protocols laban sa COVID 19 sa pag-claim sa nabanggit na gift packs.
Hinikayat din ng lokal na pamahalaan ang mga lolo at lola na ipakuha na lang ang kanilang gift packs sa kanilang anak o apo para sa kanilang kaligtasan.
Facebook Comments