Mga lolo’t lola sa Valenzuela City, libre ang panunuod ng sine sa Elderly Month

Valenzuela – Simula Oktubre, libre nang makakanood ng sine ang mga lolo at lola sa lungsod ng Valenzuela.

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng elderly month.

Ayon kay Jomel Gonzaga, public information officer ng Valenzuela, kailangan lang magpakita ng identification card ng mga senior citizen bilang patunay na residente sila sa lungsod.


Epektibo tuwing Lunes at Martes ang nasabing pribilehiyo.

Bukod sa buong buwan ng Oktubre, makakalibre din sa sine ang mga lolo at lola sa November 22, para naman sa selebrasyon ng Valenzuela day at sa mismong araw ng kanilang birthday.

Facebook Comments