
Malaki ang epekto ng pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan sa patuloy na pagbulusok ng inflation.
Ito ang ipinahayag ng Department of Finance (DOF) matapos pumalo sa 1.4% ang inflation o antas ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa nitong nagdaang Abril.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, nakinabang sa mababang inflation partikular sa pagkain ang mga nasa low-income families.
Tiniyak naman ni Recto na hindi magiging kampante ang pamahalaan hangga’t hindi nagiging abot kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Batay sa datos, bumaba pa sa 0.7% ang food inflation nitong Abril mula sa 2.3% noong Marso na dulot ng pagbaba ng presyo ng bigas kumpara noong mga nagdaang buwan.
Facebook Comments










