Mga LSI sa Valenzuela City, hindi na muna pinayagang makauwi sa lalawigan.

Pansamanatalang itinigil ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela City ang pag-iisyu ng travel authority sa mga Locally Stranded Individual (LSI) na gustong umuwi sa mga lalawigan.

Ang kautusan ng Local Government Unit (LGU) ay alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng pag-iingat kontra COVID-19.

Partikular na tinukoy ang pag-uwi sa Cebu City at iba pang bahagi ng Cebu Province, Talisay City, mga lugar sa Eastern Visayas sa Region 7 at Caraga sa Region 13.


Bawal muna ang mga LSI na bumiyahe sa nabanggit na lugar maliban na lamang kung emergency.

Samantala, ang lahat naman ng uuwi sa Valenzuela City mula sa nabanggit na mga lalawigan ay kailangang sumailalim sa mandatory quarantine at Polymerase Chain Reaction (PCR) Testing.

Facebook Comments