Tutukuyin ng Department of Health (DOH) ang mga lugar kung saan gagawin ang immunization program na gamit ang COVID-19 vaccines na developed ng United Kingdom-based company na AstraZeneca at Oxford University.
Matatandaang lumagda ang pamahalaan at pribadong kumpanya ng kasunduan sa AstraZeneca sa ilalim ng tripartite agreement na may kaugnayan sa paggamit ng 2.6 million doses ng COVID-19 vaccines.
Sa ilalim ng kasunduan, 50% ng mga bakuna ay ipapamahagi sa mga lugar na tutukuyin ng DOH, ang natitirang kalahati ay ibibigay sa geographical areas o mga sektor na bibigyan ng pribadong kumpanya.
Ang AstraZeneca deal ang unang COVID-19 vaccine supply agreement na na-secure ng Pilipinas.
Batay sa resulta ng naunang human clinical trials, ang efficacy ng COVID vaccine ng AstraZeneca ay umabot na sa 70% sa first half dose pero tumaas ito sa 90% matapos isagawa ang ikalawang full dose.