Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng protective equipment sa publikong apektado ng haze mula sa forest fire sa Indonesia.
Ayon kay Health spokesperson Undersecretary Eric Domingo – handa na nilang ibigay ang mga face mask upang maiwasang malanghap ang haze na may masamang epekto sa kalusugan ng tao.
Binabantayan nila ang kalidad ng hangin kung maituturing ba itong ‘acceptable,’ o nasa hazardous level na.
Mapanganib sa mga bata, matatanda, maging sa mga may sakit sa baga ang haze.
Payo ng DOH, agad na magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng problema sa paghinga.
Sa ngayon ang haze ay umabot na sa Tawi-Tawi, ilang bahagi ng Palawan, Koronadal at Metro Cebu.
Facebook Comments