Mga lugar na inilagay sa lockdown sa QC, nasa 52 na

Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa lockdown dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Batay sa record ng Quezon City, ang mga lugar na sinailalim sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ay umabot na sa 52 bunsod pa rin ng mataas na aktibong kaso ng sakit na naitala sa lungsod na umabot naman sa 7,600.

Nilinaw naman ng QC Government na partikular na lugar lamang at hindi buong barangay ang mga isinailalim sa lockdown.


Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

Isasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Facebook Comments