Umapela si Senator Grace Poe sa mga lokal na pamahalaan na huwag idaan sa biglaang paraan ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga komunidad.
Kasabay ito ng pagsailalim ng Metro Manila ngayong araw sa bagong COVID-19 alert system.
Ayon kay Poe, dapat mabigyan ng rasonableng babala ang mga residente sa mga komunidad bago isailalim sa lockdown ang kanilang lugar.
Tulong kasi ang abiso upang makapag-imbak ang mga residente ng pagkain, gamot, tubig at iba pang mga pangunahing kailangan na hiwalay pa sa ibibigay na ayuda ng gobyerno.
Kasabay nito, ibinahagi pa ng mambabatas na maaari ring maapektuhan ang hanap-buhay ng mga residente kung bigla na lamang silang hindi makakapasok sa trabaho.
Facebook Comments