Mga lugar na isasailalim sa MECQ, lalagyan ng mas maraming checkpoint ayon sa JTF COVID Shield

Maglalagay muli nang mas maraming checkpoint sa kalsada ang Joint Task Force (JTF) COVID Shield.

Ito’y para sa mga lugar sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan na isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula bukas (August 4, 2020).

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, i-aalerto nya ang mga Chief of Police sa mga nabanggit na lugar para magtayo muli ng mga checkpoint sa strategic na lugar.


Sa kasalukuyan, sa mga city boundary lang makikita ang karamihan sa mga checkpoint.

Sinabi ni Eleazar, mahigpit nilang babantayan ang galaw ng mga tao simula bukas.

Dapat aniya ay mga essential worker at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) lang ang lalabas.

Muli namang nagpaalala si Eleazar sa publiko na manatili na lang sa bahay kung walang mahalagang gagawin.

Facebook Comments