Mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa NCR bahagyang dumami

Matapos ang ilang araw na pagbaba, nadagdagan ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Ibig sabihn nito may mga kaso ng COVID-19 na naitala sa mga lugar na naka-lockdown.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula 71 kamakalawa umabot na kahapon sa 98 ang mga naka-lockdown na lugar sa NCR.


Kabilang dito ang 57 kabahayan, 8 residential building floors, 19 residential buildings at 13 subdibisyon.

Nagmula ang mga ito sa 57 barangay sa 7 lungsod at munisipalidad sa NCR.

Tinitiyak naman ng 226 PNP personnel at 239 force multipliers na nasusunod ang minimum public health standards ng mga residente.

Facebook Comments