Nabawasan ng 35 lugar ang mga isinailaim sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR).
Batay sa update ng Philippine National Police (PNP), mula sa 186 na lugar na isinailaim sa granular lockdown nitong October 6, umaabot na lang ito sa 151 as of October 7.
108 dito ay ang kabahayan, 16 ang residential buildings kasama ang building floor, 13 ang kalye, at 13 ang subdivision o village.
Nagmula sa 108 na barangay mula sa iba’t ibang lungsod ang mga lugar na naka-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, naka-deploy pa rin ang mga pulis at force multipliers sa lockdown areas para matiyak na nasusunod ang minimum public health safety standards.
Facebook Comments