Umaabot na sa 154 lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang isinailalim sa state of calamity.
Ito ay bunsod pa rin ng pananalasa ng Bagyong Egay at mga pag-ulan at baha na dulot ng habagat.
Ayon na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga lugar na nasa state of calamity ay ilang mga siyudad at lalawigan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region.
Ang mga lugar na ito ay napuruhan ng bagyo at nakaranas ng matinding pagbaha kung saan maraming inidibidwal ang naapektuhan hanggang sa ngayon.
Dahil nasa state of calamity, magagamit na ng mga Local Government Unit (LGU) at provincial government ang kanilang calamity funds sa layuning tulungan ang mga apektadong indibidwal.
Sa pinakahuling datos pumalo na sa 765,024 na pamilya o katumbas ng mahigit 2.8 milyong indibidwal ang apektado mula sa 13 rehiyon sa bansa.