Mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Egay, sumampa na sa mahigit 200

Umaabot na sa kabuuang 233 syudad at munisipalidad ang isinailalim sa state of calamity.

Ito ay bunsod parin nang pananalasa ng Bagyong Egay at mga pag-ulan at baha na dulot ng habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga lugar na nasa state of calamity ay ilang mga syudad at lalawigan sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA at CAR.


Ang mga lugar na ito ay matinding hinagupit nang nagdaang bagyo at habagat.

Sa pinakahuling datos pumalo na sa 806,836 na pamilya o katumbas ng mahigit 3M indibidwal ang apektado mula sa 14 rehiyon sa bansa.

Facebook Comments