Mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa pag-ulan at pagbaha, nadagdagan pa!

Nadagdagan pa ang mga lugar na isinailalim sa state of calamity bunsod ng mga pag-ulang naranasan noong Kapaskuhan.

Kabilang dito ang bayan ng Llorente sa Eastern Samar.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Ma. Josefina Titong, binaha ang halos lahat ng munisipalidad sa Eastern Samar dahil sa walang tigil na pag-ulan noong bisperas ng Pasko.


Wala namang naitalang namatay pero apat ang napaulat na nawawala.

Nakauwi na sa kanilang mga bahay ang lahat ng evacuees.

Naibalik na rin ang linya ng kuryente at komunikasyon sa probinsya habang nadaraanan na ang mga tulay at kalsada.

Nagdeklara na rin ng state of calamity sa bayan ng Claver sa Surigao del Norte dahil sa mga naranasang pagbaha at landslide bunsod pa rin ng shear line.

Ang shear line ay isang linya kung saan may biglaang pagbabago sa direksyon ng hangin. Dahil sa bangaan ng hangin, nagkakaroon ng mas madalas na thunderstorm o mga pag-ulan.

Facebook Comments