Mga lugar na maaapektuhan ng 3 araw na scheduled power interruption sa lungsod ng Makati, inilabas na

Courtesy: My Makati Facebook page

Inabisuhan ng pamahalaang lungsod ng Makati ang mga residente na magkakaroon ng tatlong araw na scheduled power interruption sa ilang lugar sa lungsod.

Batay sa inilabas na abiso, makararanas ng power interruption sa Barangay Pio del Pilar simula ngayong araw hanggang bukas.

Maaaring maranasan ito mula alas-11:00 ng gabi mamaya at posibleng tumagal hanggang bukas ng alas-4:00 ng umaga, at kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ay ang bahagi ng Dela Rosa St., mula Chino Roces Avenue hanggang sa Wilson St.


Gayundin sa bahagi ng Santillan St., malapit sa Dela Rosa St.

Makararanas din ng power interruption sa Sabado, June 15, 2024 ang Barangay Poblacion na inaasahang mangyayari sa pagitan ng alas-9:00 ng umaga at alas-2:00 ng hapon.

Kabilang sa mga maaapektuhan naman ay ang ilang bahagi ng Gen. Luna St., mula Burgos St., kasama rito ang Fermina, Don Pedro, Escuela, Cayco, Manalac, Enriquez, at Pagulayan Street maging ang 7-Eleven Store, Oppa Korean Restaurant at ang Elmar Bldg.

Facebook Comments