Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga probinsyang maapektuhan ng El Niño kasunood ng nalalapit na pagpasok ng tag-init sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Task Force El Nino at PCO Asec. Joey Villarama, sa susunod na tatlong buwan ay iinaasahang tataas pa sa 76 ang bilang ng mga probinsya makararanas ng epekto ng El Niño, na nasa walong rehiyon.
Samantala, posibleng umakyat din sa pito ang mga bayang isasailalim sa state of calamity kasama na ang PIO Duran sa Albay.
Sa kasalukuyan ay nasa 67 na probinsya sa bansa ang nakararanas ng iba’t ibang lebel ng El Niño, tulad ng dry spell, dry conditions, at drought.
Facebook Comments