Mga lugar na mababa ang COVID-19 transmission rate, hindi pa rin sigurado kung papayagan sa face-to-face classes – DepEd

May ilang lugar nang natukoy ang Department of Education na posibleng payagan ang pilot face-to-face classes.

Pero sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo na bagama’t mayroon nang mga lugar ay hindi otomatikong papayagan na ang mga paaralan.

Paliwanag ni Mateo, ang kanilang napiling mga lugar ay ibinatay lamang sa umiiral na quarantine classifications at susuriin pa ng Department of Health kung ligtas na ang mga ito para sa mga estudyante.


Kasunod nito, nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force ang desisyon kung pahihintulutan na ang pilot face-to-face classes sa mga maituturing na low risk areas ng COVID-19.

Una nang nanindigan si Pangulong Duterte na wala pa ring face-to-face classes hangga’t hindi umaabot sa dalawang milyong Pilipino ang natuturukan ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments