Mga lugar na madalas na magkaroon ng pagguho ng lupa, tinututukan na

Bukod sa mga pag-baha, binabantayan din ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga pagguho ng lupa.

Sa harap ito ng pananalasa ng Bagyong Ramon na tinutumbok ang malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nakaalerto ang kanilang emergency response team sa anumang pangangailangan.


Nabigyan na rin umano ito ng mga instruction na tignan ang mga landslide prone area sa bawat rehiyon dahil lumambot na ang mga lupa sa lugar na unang tinamaan ng Bagyong Quel.

Maliban sa posibleng makapatay ang bagyo, hindi rin madadaanan ang mga kalsada dahil may mga gumuguhong lupa mula sa bundok.

Payo ng NDRRMC sa publiko, mag-antabay sa abiso ng mga local DRRM offices at maghanda sa paglikas kung kakailanganin.

Una nang tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau ang 420 na mga barangay sa Regions I, II, V at CAR na delikado at may banta ng pag-baha at landslides.

Facebook Comments