Mga lugar na makararanas ng power interruption ngayong araw, alamin!

Asahan na ang kawalan ng supply ng kuryente sa Novaliches, Quezon City sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-2 ng hapon.

Apektado nito ang Del Mundo Street mula Quirino Highway hanggang Cadaing, Bangus Extension, Dela Cruz at Ramos Streets sa St. Martin Village, Barangay Talipapa.

Ito ay dahil sa replacement ng poste at line reconductoring work sa St. Martin Village.


Mawawalan rin ng kuryente Binondo at Tondo, Maynila sa pagitan ng alas-11:30 hanggang alas-11:59 ng gabi ng March 12 at alas-4 hanggang alas-4:30 ng madaling araw ng March 13.

Apektado nito ang Juan Luna Street mula P. Herrera Street hanggang Claro M. Recto Avenue, Rajah Matanda, Ylaya Street, Aguirre, Albuquerque at Padre Rada Streets sa Tondo.

Kasama rin ang Claro M. Recto Avenue Mula Juan Luna Street hanggang Soler Street sa Binondo.

Mayroon kasing replacement ng hazardous at ageing poles sa Juan Luna Street, Tondo.

Facebook Comments