Mga lugar na makararanas ng power interruption ngayong araw, alamin!

Asahan ang kawalan ng supply ng kuryente sa Pulang Lupa II, Las Piñas City sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi ng Abril 25 at alas-4:30 ng madaling araw ng Abril 26.

Apektado nito ang Naga Road mula Velasquez Compound hanggang Diamond Street kasama ang Villa Isabelita Subdivision at E. T. Homes Naga Phase 3.

Ito ay dahil sa line reconductoring works at pagpalit ng mga poste para sa flexibility improvement ng Las Piñas Circuit 45XA at Pamplona Circuit 47XD sa Naga Road sa Barangay Pulang Lupa II, Las Piñas City.


Mawawalan rin ng kuryente sa Sta. Mesa, Manila sa pagitan ng alas-11 ng gabi ng Abril 25 at alas-4 ng madaling araw ng Abril 26.

Apektado nito ang Aurora Boulevard mula SM City – Sta. Mesa hanggang Central Colleges of the Philippines.

Dahil ito sa paglipat ng mga pasilidad na apektado ng Skyway Extension Project sa G. Araneta Avenue sa Sta. Mesa, Manila.

Mayroon ring power interruption sa San Dionisio, Parañaque City sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi ng Abril 25 at alas-4:30 ng madaling araw ng Abril 26.

Apektado nito ang Victor Medina Street mula A. Bonifacio extension hanggang The Church of Jesus Christ of Latter – Day Saints, Petron gas station at 7 – Eleven convenience store.

Gayundin ang Quirino Avenue mula Victor Medina Street hanggang Moon Shell Street.

Bunsod ito ng line conversion works sa Victor Medina Street sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Makakaranas rin ng kawalan ng supply ng kuryente sa Commonwealth, Quezon City sa pagitan ng alas-8 ng umaga at alas-8:15 ng umaga at sa pagitan ng alas-2:45 ng gabi at alas-3 ng gabi.

Apektado nito ang Purok 11, 12 at 15 sa NGC Row Housing.

Kasama ang Sto. Niño Street mula Martan Street hanggang Purok 16, 1, 2, 5 at 13 sa NGC Row Housing at Sto. Niño Subdivision.

Ito ay dahil sa iba-ibang line maintenance works sa NGC Row Housing, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Mawawalan ng kuryente sa Taguig City at Pasig City sa pagitan ng alas-10 ng umaga at alas-10:30 ng umaga.

Apektado nito ang Capistrano Street mula A. B. Cruz Street hanggang Crisanta Mendoza Compound sa Barangay Ibayo – Tipas, Taguig City at Villa Capistrano Compound sa Barangay San Joaquin, Pasig City.

Gayundin ang Cruz Compound sa Barangay Ibayo – Tipas, Taguig City.

Dahil ito sa line reconstruction works sa Capistrano Street sa Barangay Ibayo – Tipas, Taguig City.

Makakaranas rin ng power interruption sa Norzagaray, Bulacan sa pagitan ng alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon

Apektado nito ang Holcim Perimeter Road mula Quirino Highway hanggang Dynamite Area kasama ang Sitio Pinagpala; Sapang Kawayan, Pallorina, Roga, Sagrada at Obrero Street sa Barangay Matictic at Minuyan.

Bunsod ito ng line reconductoring works at pag-install ng dagdag na lightning protection devices sa Barangay Matictic at Minuyan sa Norzagaray, Bulacan.

Mayroon ring kawalan ng kuryente sa Cityland Phase 1 Subdivision sa Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-2 ng hapon.

Dahil ito sa pag-upgrade ng mga pasilidad sa Cityland Phase 1 Subdivision, Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite.

Facebook Comments