Mga lugar na makararanas ng power interruption ngayong araw, alamin!

119

Asahan na ang kawalan ng supply ng kuryente sa Barangay Talipapa, Novaliches, *Quezon City *sa pagitan ng alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Apektado nito ang Del Mundo Street mula Quirino Highway hanggang Cadaing, Bangus extension, Dela Cruz at Ramos Streets sa St. Martin Village.


Ito ay dahil sa replacement ng poste at line reconductoring work sa St. Martin Village.

Mawawalan rin ng supply ng kuryente sa Barangay 137, *Pasay City* sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Apektado nito ang Camia Street mula Protacio Street kasama ang Gamban, Champaca, Sampaguita at Ilang-Ilang Streets.

Bunsod ito ng replacement ng poste sa Camia at Gamban Streets.



Mayroon rin power service interruption sa *Pasay City* sa pagitan ng alas-11:30 hanggang alas-11:59 ng gabi ng March 6 at alas-5 hanggang alas-5:30 ng umaga ng March 7.


Maaapektuhan nito ang F.B. Harrison Street hanggang Sen. Gil Puyat Sr. Avenue kasama ang E. Rodriguez, Pervenir, Dapitan, San Juan, David at Perla Streets.

Wala ring kuryente pagsapit ng alas-11:30 ng gabi ng March 6 hanggang alas-5:30 ng umaga ng March 7 ang R. Layug Street hanggang F.B. Harrison Street hanggang Roxas Boulevard.

Kasama rin ang Roxas Boulevard Service Road mula R. Layug Streets hanggang Sen. Gil Puyat Sr. Avenue.

May gagawin kasing replacement ng poste at line reconductoring work sa R. Layug Street.

Magkakaroon rin ng kawalan ng supply ng kuryente sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City,* Laguna* sa pagitan ng alas-11 ng gabi ng March 6 hanggang alas-3 ng madaling araw ng March 7.

Ito ay dahil sa relocation ng facilities sa Manila south road.

Facebook Comments