Mga lugar na makararanas ng water interruption ngayong araw, alamin!

Magsasagawa ng maintenance ang Manila Water sa kanilang Cadrona Water Treatment Plant sa Cardona, Rizal sa pagitan ng alas-10 ng gabi ng April 25 at alas-6 ng umaga ng April 26.

Dahil dito, asahan ang water interruption sa San Isidro, San Roque, Sto. Niño, San Vicente, Kalayaan, San Pedro, Poblacion ibaba at itaas sa Angono.

Apektado rin ang Pag-asa, Tayuman, San Carlos, Tagpos, Biliran, Pantok, Palangoy, Darangan, Batingan, Calumpang, Libis, Layunan, Libid, Mahabang Parang, Lunsad, Pila-Pila, Limbon-Limbon, Ithan, Tatala, Macamot at Mambog sa Binangonan.


Kasama rin ang Evangelista, Mabini, Concepcion, San Miguel, San Juan, San Jose, Rizal, San Salvador at Santiago sa Baras.

Gayundin ang 1st, 2nd, 3rd District sa Jala-Jala.

Pinapayuhan ang apektadong mga residente na mag-imbak na ng sapat na tubig.

Facebook Comments