Umabot na sa 11 lugar sa bansa ang may positibong kaso ng African swine fever (ASF).
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nadagdagan pa ang mga lugar na may kaso ng ASF.
Kabilang sa positibong may ASF cases ang mga sumusunod:
Rodriguez, Rizal:
- San Isidro
- San Jose
- Macabud
- Geronimo
- San Rafael
- Mascap
San Mateo, Rizal:
- San Mateo Slaughterhouse
Antipolo City:
- Cupang
Bulacan:
- Pritil, Guiguinto
Quezon City:
- Bagong Silangan
- Payatas
Ipinatupad na ang 1-7-10 protocol ng DA sa nasabing mga lugar na kapapalooban ng culling, quarantine at monitoring.
Facebook Comments