Mga lugar na may mahigpit na political rivalry, babantayan ng PNP

Pinatututukan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan ang mga lugar sa bansa na mayroong mahigpit na political rivalry.

Kasunod ito ng pagsisimula kahapon ng filing ng pagkandidatura para sa nalalapit na pagdaraos ng 2022 national election at pag-uumpisa ng simulation exercise ng PNP sa iba’t-ibang scenario.

Ang mga aktibidad na kabilang sa simulation exercise ay ang; shooting incidents, assassination attacks, bomb threat, fire incident, pagdagsa ng mga taga-suporta ng mga pulitiko at marami pang iba.


Aabot naman sa 16 PNP Regional offices ang lumahok sa nabanggit na simulation exercises.

Sa ngayon, pagtitiyak ni Eleazar ang mahigpit na pagbabantay sa seguridad sa mga lugar kung saan maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga kandidato.

Facebook Comments