Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na walang kumpirmadong kaso ng African Swine Fever sa mga lugar na may naiuulat na namamatay na baboy.
Ayon kay DA Spokesperson Noel Reyes, walang lumabas sa resulta ng blood samples ng mga baboy mula Bambang, Nueva Ecija at sa Quezon City na may ASF Infection.
Giit ni Reyes, ang proseso sa pagkumpirma ng ASF ay hindi malalaman agad.
Paalala pa ni Reyes na ang pagtatapon ng mga patay na hayop sa mga hindi tamang lugar ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9003 o Wast Management Act.
Paglabag din ito sa Republic Act 8495 o Animal Welfare Act.
Facebook Comments