Aminado ang UP National Institute of Health na kulang pa rin ang naisasagawang genome sequencing sa Pilipinas para sana matukoy ang presensya sa bansa ng variants ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Eva Marie dela Paz ng UP-NIH, sa ngayon ay 750 samples lamang kada linggo ang kanilang nasusuri o katumbas ng 0.5% ng mga kaso sa bansa.
Ito ay kung ikukumpara aniya sa United Kingdom na 30% ng sample ang naisasailalim sa genome sequencing at 5% sa Portugal at Estados Unidos.
Ang ideal aniya na maisalang sa pagsusuri ay nasa 5% ng mga sample pero ito ay depende sa kakayanan ng bansa.
Bunga nito, ang ginagawa aniya nila ay binigyan na lamang nila ng prayoridad sa genome sequencing ang mga lugar na may pinakamaraming kaso ng infection.
Facebook Comments