Mga lugar na mayroong ‘patients under investigation’ dahil sa coronavirus, tinukoy ng DOH

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang mga lugar sa bansa na mayroong mga Persons Under Investigation (PUIS) dahil sa posibleng mayroong 2019 novel coronavirus.

 

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III ang mga p-u-i-s ay pawang may history ng pagbiyahe sa Wuhan City kaya kailangang suriin at obserbahan.

 

Kabilang sa nasabing mga lugar na mayroong mga p-u-i-s ay ang


 

 

Metro manila

– Asian Hospital, Muntinlupa

– Adventist Medical Center, Pasay City

 

Mimaropa

– El Nido, Palawan

 

Northern mindanao

– Camiguin General Hospital, Mambajao

 

 

Western visayas

– Dr. Rafael Tumbokon Memorial Hospital, Kalibo, Aklan

 

Eastern visayas

– Tacloban City Hospital, Leyte

 

Central visayas

– Vicente Sotto Memorial Medical Center, Cebu

– Allied Experts Medical Center, Cebu City

 

 

Paliwanag ni Duque, ang samples na kinuha sa kanila at sinuri sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM ay ipadadala din sa Australia para masuri.

Facebook Comments