Mga lugar na naapektuhan ng ASF, mas lumawak pa ayon sa BAI

Lumawak pa ang mga lugar na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Pilipinas.

Sa joint hearing ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) Director Reildrin Morales na tanging ang Central at Southern Luzon at ilang lugar sa Mindanao pa lamang ang apektado ng sakit noong March 2020.

Pero ngayong March 2021, sinabi ni Morales na lumawak pa ang infected zones o lugar na apektado ng ASF.


Nagkaroon din aniya ng kaso ng ASF sa Region 8 noong nakalipas na Enero.

Pero sa kabila nito, nilinaw naman ni Morales na mayroong pagbaba sa ASF cases kung saan mula sa 360 noong December 2020 ay bumaba ito sa 358 nitong Enero 2021; 254 nitong Pebrero at ngayong Marso ay umabot na lamang sa 62 ang mga natukoy na kaso.

Paliwanag pa ni Morales, ang pagbaba ng kaso ay dahil sa pinaigting na surveillance program ng Agriculture Department.

Facebook Comments