Kasabay nang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 ay ang pagbaba rin ng mga lugar na naka-granular lockdown sa bansa.
Batay sa datos mula sa Philippine National Police (PNP), mula sa dating mahigit 1,000 noong January, bumaba na sa 251 ang mga lugar na naka-granular lockdown.
Cordilerra ang rehiyon na may pinakamaraming granular lockdown na may 139, sinundan ng Ilocos region na may 83, National Capital Region (NCR) na may 16 at Cagayan region na may 13.
Samantala, sinabi naman ng PNP na 363 na mga indibidwal ang apektado ng granular lockdown.
Nagpapatuloy naman ang pagbabantay ng mga pulis at barangay sa mga apektadong lugar.
Facebook Comments