Mula 406 nitong nakalipas Miyerkules, bumaba pa sa 348 ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa buong bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Batay sa datos ng PNP Command Center, ang mga lugar na naka-lockdown ay mula sa 229 barangay sa 44 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa.
Nangunguna ang MIMAROPA Region sa may pinakamaraming naka-lockdown na lugar na umabot sa 84, sinundan ito ng region 11 na may 54 at region 2 na may 48.
Apektado ng lockdown ang 6,741 na kabahayan at 29,537 indibidwal.
Sinisiguro naman ng 575 PNP personnel, 22 BFP personnel at 820 force multipliers ang seguridad sa mga apektado ng lockdown.
Facebook Comments