Mga lugar na naka granular lockdown sa buong bansa 534 ayon sa PNP

May 534 na lugar sa buong bansa ang kasalukuyang naka-granular lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Batay sa datos ng PNP, ang mga lugar na ito ay nasa 304 na barangay sa 54 na munisipyo at syudad na sakop ng NCRPO, Police Regional Office (PRO)1, 2, 4A, 4B, 6, 7, 9, 10, 11 at PRO Cordillera.

Apektado ng granular lockdown ang 5,527 na indibidwal na mula sa 1,802 household, kung saan nanguna sa bilang ang Region 2 na may 2,505 na indibidual na naka-lockdown.


Habang pumangalawa naman ang Metro Manila, na may 1,110 indibidwal mula sa 320 households sa 74 na lugar na apektado ng lockdown.

Sa buong bansa 456 na tauhan ng PNP at AFP at 605 force multipliers ang naka-deploy para I-secure ang mga lockdown areas na ito.

Facebook Comments