Mga lugar na naka-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19 nadagdagan pa sa QC

449

Umakyat na sa 26 na lugar ang nasa ilalim ng Special Concern Lockdown sa Quezon City.

Ayon sa QC Local Government Unit (LGU), huling ini-lockdown ang isang compound sa Barangay Kaligayahan kung saan maraming mga residente ang nagpositibo ng COVID-19.


Paliwanag ng QC Government, nagsasagawa na ng malawakang contact tracing at isinasailalim na rin ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) sa RT-PCR test ang mga residente sa naturang mga lugar.

Batay sa huling ulat na inilabas ng City Health Department, pumalo na sa mahigit dalawang libo anim na raan ang aktibong kaso ng COVID-19 sa QC.

Facebook Comments