Bumaba sa 45 ang mga lugar sa Metro Manila na naka-granular lockdown mula sa 78 noong nakaraang linggo.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang mga lugar na ito ay binubuo ng 32 kabahayan, tatlong residential building, tatlong kalye, isang purok, at anim na subdivision.
Ang mga ito ay nasa 41 barangay sa National Capital Region (NCR), kung saan 26 ang sakop ng Manila Police District, dalawa ang Southern Police District at 13 ang Quezon City Police District (QCPD).
Apektado ng granular lockdown ang 248 na pamilya o 886 na indibidwal sa nabanggit na mga lugar.
179 na pulis naman at 174 force multipliers ang nakadeploy sa mga lugar na ito para masiguro ang pagpapatupad sa health protocols.
Facebook Comments