Nasa 43 lugar na lamang sa Metro Manila ang nakasailalim sa granular lockdown.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang mga lugar na naka-lockdown ay mula sa 39 na barangay kabilang ang 31 bahay; limang subdivision; apat na residential buildings, dalawang kalye at isang purok.
Naka-deploy pa rin ang 158 tauhan ng PNP at 146 force multipliers nito para masigurong nasusunod ang minimum health standards sa mga concerned area.
Ipinatutupad ang granular lockdown sa mga lugar na tinukoy ng lokal na pamahalaan bilang “critical zones.”
Facebook Comments