Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown kasunod ng pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula sa 116 kahapon ay 170 na ang mga lugar na naka-lockdown kung saan 94 dito ay mula sa Metro Manila.
57 lugar din ang naka-lockdown ngayon sa Cagayan; 13 sa Ilocos; 5 sa MIMAROPA at isa sa Cordillera.
Hindi naman bababa sa 702 indibidwal ang apektado ng mga granular lockdown.
Facebook Comments