Bahagyang umakyat sa 590 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ito ay mula sa 489 na lugar sa buong bansa na kanilang naitala noong Sabado.
Sa kabila nito, nasa 6 na lamang na lugar ang naka-granular lockdown sa Metro Manila habang pinakamarami ngayon ang Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 302.
Sa kabuuan, aabot sa 1,326 indibidwal ang apektado ng mga granular lockdown.
Facebook Comments